Trending agad sa YouTube ang luxury van tour ni fashion socialite Heart Evangelista nitong Huwebes, Setyembre 22.

Bago simulan ang vlog, ipinunto ng Kapuso actress na esensyal para sa kaniya ang naturang sasakyan bilang isang artista at modelo na maya't maya ang pagbiyahe.

Pagbabahagi pa ng aktres, iba’t ibang van na ang dumaan sa kaniyang ilang taon nang showbiz career.

Ani Heart pa, sa taping halimbawa, perfect ang van para sa kaniya bilang kadalasan ay mahiyain din siya para makipag-daupang palad sa mga tao sa set.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Dahil sa request ng fans, personal na pina-renovate ni Heart ang kaniya ngayong mas “mature van” na pina-customize pa sa tulong ni Mark Bumgarner at Primera Klasse.

Sa kaniyang vlog, ipinakita ng aktres ang moderno at mala-business class type sasakyan.

Ilang sosyal na interior features pa ang iflinex ng aktres kagaya ng galaxy mode ceiling ng sasakyan, custom-made “quilted seats,” pantry, sala, mala-eroplanong blinds sa mga bintana ng sasakyan, malaking flatscreen TV, bukod sa iba pa.

Kumpleto rin ito sa ilang esensyal na gamit ni Heart kagaya ng kaniyang “on-the-go” closet, refrigerator, vanity mirror bukod sa iba pa.

Pagbabahagi pa ni Heart, nagagawa niyang makatulog nang komportable sa nasabing sasakyan sa kadalasan nilang biyahe na nagsisimula ng alas-4 ng umaga.

“I grew up in vans because of my work but this is definitely a van on steroids type of thing,” ani Heart.

Samantala, maliban pa sa ginastos ng fashion socialite sa pagpapa-customize ng sasakyan, tumataginting na milyones na ang halaga ng van pa lang.

Ayon sa isang lehitimong car review website, tumataginting na $46, 995 o nasa P2,742,628.20, sa kasalukuyang palitan ng piso at dolyar, ang halaga ng Mercedes-Benz Sprinter ng aktres.

As usual, nalula ang maraming subscribers ni Heart sa luxury van tour nito.

Gayunpaman, naniniwala ang kalakhang followers ng aktres na nananatiling humble si Heart sa kabila ng tinatamasang tagumpay sa buhay.

Kasalukuyang #21 trending ang naturang content sa YouTube Philippines habang sinusulat ang istoryang ito.