Inaasahang papalo na sa mahigit sa ₱205M ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa susunod na bola nito sa Sabado, Setyembre 24, 2022.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles, walang nakahula sa six-digit winning combination ng Grand Lotto 6/55 na 48-31-42-40-11-50 kaya't walang nakapag-uwi ng ₱194,089,549.60, na binola nitong Miyerkules ng gabi.

Mayroon naman umanong siyam na mananaya ang nagwagi ng tig-P100,000 na second prize para sa nahulaang tig-limang tamang numero.

Samantala, inaasahang tataas rin sa ₱58.5 milyon ang jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na bobolahin ngayong Biyernes ng gabi, matapos na walang makahula sa 31-39-01-42-20-26 na six-digit winning combination nito na may katumbas na jackpot prize na ₱53,777,129.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Nasa 10 katao naman ang nakapag-uwi ng tig-₱32,000 na second prize para sa nahulaang tig-limang tamang numero.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang Mega Lotto 6/45 naman ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. 

Samantala, batay naman sa jackpot estimates ng PCSO, aabot na rin sa ₱92.5 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 habang ang jackpot estimate naman sa Lotto 6/42 ay ₱7.5 milyon, na kapwa bobolahin ngayong Huwebes ng gabi 

Ang jackpot prize naman ng UltraLotto 6/58 ay inaasahang tataas sa ₱85.5 milyon at bobolahin ito sa Biyernes ng gabi.