Pabirong sinabi ni "Drag Race Philippines" host at Dabarkads Paolo Ballesteros na hinahanap na niya ang pamalo para sa world-renowned Filipino fashion designer na si Rajo Laurel, matapos itong mag-trending dahil sa "masasakit" at walang prenong komento para sa isa sa mga kalahok ng timpalak, na si "Eva La Queen".

Tila hindi nagustuhan ng mga sumusubaybay na netizen ang "constructive criticism" ni Rajo, lalo na ang paggamit umano nito ng salitang "trash" o basura.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/22/rajo-laurel-binakbakan-ng-netizens-dahil-sa-kritisismo-kay-eva-la-queen-ng-drag-race-ph/">https://balita.net.ph/2022/09/22/rajo-laurel-binakbakan-ng-netizens-dahil-sa-kritisismo-kay-eva-la-queen-ng-drag-race-ph/

Nanatili namang kalmado si Eva at tinanggap nang buong puso ang mga komento ni Rajo. Ayon sa fashion designer, naniniwala siyang kayang-kaya pa ng mga kalahok, lalo na si Eva, na ilabas ang pinakamahusay niya, kaya ganito ang kaniyang mga komento sa kalahok.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"I'm fierce because I know you can do better. I am being hard because I have seen what you can do. Then this is trash," aniya.

Maging si Paolo ay tila hindi kinaya ang mga nasabing komento ni Rajo kay Eva at napa-"Ohhhh…"

Kaya naman sa kaniyang tweet nitong umaga ng Setyembre 22, pabirong sinabi ni Paolo na hahantingin niya si Rajo para paluin.

"Mag-Eat Bulaga muna ako at maghanap ng prisinto mga queen ang ina n'yo late na 'ko! 😅 Hanapin ko pa pala pamalo ko… Paluin ko si Rajo✌🏼😝 emz labyu Rajo😘," tweet ni Paolo.

https://twitter.com/pochoy_29/status/1572780172369342466

Samantala, nag-tweet naman ng kaniyang reaksiyon si Rajo matapos siyang maging trending, at upang ipaliwanag naman ang kaniyang panig.

"My judgements on @dragraceph will always stem from a place of Love! It will never come from being hurtful, mean nor evil, I only want the BEST from our queens the best from the Philippines! #dragraceph," aniya sa kaniyang tweet nitong Setyembre 21, 2022.

https://twitter.com/rajolaurel/status/1572575450857353216