Nangilabot umano si Neri Miranda nang ma-witness niya mismo ang pagbuo ng bagong kanta ni Moira dela Torre kasama si Ogie Alcasid.

"Yung bigla na lang may nabuong kanta si Moira habang pinaglalaruan ang piano nila Sir Ogie tapos tumabi si Sir Ogie at sinabayan niya si Moira na akala mo alam na niya yung song... grabeeee! Mga henyo!" sey ni Neri sa kanyang Instagram post kamakailan.

Dagdag pa niya, tagos sa puso ang bagong kantang ilababas ni Moira, "nakakakilabot at na-witness ko ang pagbuo ng bagong kanta ni @moiradelatorre kagabi. Ang sakit sakit. Nakakapangilabot. Ang ganda ganda. Tagos sa puso. Na LSS na nga ako, haha! Saka ko na post yung BTS video kapag narelease na niya."

Pinuri rin niya si Ogie dahil sa husay nito na tila siya umano ang composer ng kanta.

National

PAOCC Usec. Cruz, inaming may lumapit sa kaniya para tulungan si Alice Guo

"Tapos iba si Sir @ogiealcasid HUSAY!!!! Ang galing galing!! Naririnig nya lang si Moira na may kinakapang notes sa piano, sabi nya lang, "May I?" Tapos bigla na lang tumugtog na as if sya composer tapos ang ganda ganda! Mas lalong pinaganda yung song ni Moira, mas lalong ramdam mo yung sakit," saad pa ng asawa ni Chito Miranda.

"Sabi ni Ms Regine, hindi raw nag aral mag-piano si Sir Ogie. Ang husay grabe!! Ang galing galing!" dagdag pa niya.

Samantala, ibinahagi ni Moira sa kanyang social media accounts ang teaser ng kanyang bagong kanta na may lyrics na, "San ka na, babalik ka pa ba. Kinalimutan mo na lang ba para lang makawala. San ka na, hihintayin ba kita. Parang di naman lumaban, pwede bang paniwalaan na merong iba. Ano ba ang aking halaga...San na ako pupunta, ba't bigla-bigla ka na lang nawala, sinta..."

For sure! Napakasakit na naman ng kantang ilalabas ni singer-songwriter.