Matapos ang kaniyang mga tweet patungkol sa pagtatamo ng hustisya mula sa isang celebrity na umano'y gumahasa sa kaniya, 17 taon na ang nakararaan, ibinahagi ng TV personality na si Kat Alano ang iba't ibang hate comments at bashing na natatanggap niya mula sa mga netizen.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/22/alessandra-de-rossi-suportado-si-kat-alano-hinggil-sa-hustisya-matapos-ang-17-taon/">https://balita.net.ph/2022/09/22/alessandra-de-rossi-suportado-si-kat-alano-hinggil-sa-hustisya-matapos-ang-17-taon/

"Wow, some of these people (are) bashing me…" sey ni Kat sa kaniyang tweet nitong Miyerkules, Setyembre 21.

"Guys sobrang backwards pa rin ang mentality ng marami."

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"But big thanks to those supporting and explaining rape culture to those who are still unaware."

"I see you, I know some of you are victims too. Thank you."

https://twitter.com/katalano/status/1572374485621415937

May isang netizen ang nagsabing dapat daw ay magpasalamat pa siya dahil hindi siya sinalvage o pinapatay ng nang-rape sa kaniya, Kung makakuda raw siya, akala raw niya ay nabuntis siya.

"Wow. Naawa ako na ganito ang mindset mo."

"Guys tingnan mo naman how people think."

"Pasalamat daw ano na binuhay pa ako???" ani Kat.

https://twitter.com/katalano/status/1572482257432244224

Sa isa pang tweet, nalulungkot si Kat na ang ibang bashers niya ay kapwa niya babae. Bukod dito, sinabihan din siyang bayaran, laos, at sawsawera.

"Ang daming galit."

"Binayaran daw ako, laos na daw ako, sawsawera."

"8 years na ako nagsasalita. Puro bashing lang ang natanggap ko."

"Sa tingin niyo worth it magsalita para inaabuso ako ng mga fans niya?"

"Sa tingin n'yo lalaban talaga ang ibang victims pag nakita nila ugali n'yo!"

https://twitter.com/katalano/status/1572726962862563328

Sa isa pang tweet, "And ang nakakalungkot pa, BABAE pa talaga ang lumalaban para sa kaniya."

"Hindi n'yo naiisip ang mga kapwa n'yong babae?"

"Akala n'yo madali to?"

"Wala akong media company. Wala akong team. Wala akong bayad."

"Truth lang ang meron ako."

"Alam ko galit kayo, pero mag-isip din kayo."

https://twitter.com/katalano/status/1572727620638474240

Sa kabilang banda, marami naman ang nagpakita ng suporta sa kaniya, kaya labis-labis din ang pasasalamat ni Kat sa ibang mga netizen.

Nangyayari ito sa muling paglutang ng balitang kusang sumuko ang TV host-comedian-dancer na si Vhong Navarro sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng kasong "act of lasciviousness" at "rape" na isinampa sa kaniya ni Deniece Cornejo, na muling naapela ngayon. 

Matatandaang may pa-blind item noon si Kat tungkol sa isang sikat na celebrity na umano'y gumahasa sa kaniya, sa pamamagitan ng paglalagay ng pampatulog sa kaniyang alak upang maisakatuparan umano ang balak nito.

Hindi nagsampa ng kaso o reklamo si Kat dahil pinagbantaan umano siya ng personalidad na ito na sisiraan at kakasuhan, na bagama't hindi pinangalanan, ay nagbigay ng clue na 'sounds with wrong' ang first name daw nito.

Basahin: Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/06/kat-alano-may-pinariringgan-either-you-stand-with-a-rapist-or-you-stand-with-the-truth/">https://balita.net.ph/2022/09/06/kat-alano-may-pinariringgan-either-you-stand-with-a-rapist-or-you-stand-with-the-truth/

Noon pa man, lumutang na ang mga haka-haka mula sa mga netizen, na ang tinutukoy raw niya ay si Vhong.