Halos apat na milyon na ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Pilipinas mula nang magsimula ang pandemya noong 2020.

Ito ay nang maitala ang 2,702 bagong kaso ng sakit nitong Huwebes, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH).

Sa datos ng DOH, nasa 3,929,819 na ang kabuuang nahawaan ng virus sa bansa hanggang nitong Setyembre 22.

Naitala rin ang 28,030 na kabuuang aktibong kaso ng sakit sa Pilipinas.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Umabot naman sa 3,839,094 ang nakarekober sa sakit at nakapagtala rin ng 62,695 na binawian ng buhay sa Covid-19.

Limang lugar pa rin sa bansa ang nakitaan ng pagtaas ng bilang ng nahawaan ng sakit.

Kabilang sa limang lugar ang Metro Manila, Calabarzon (Region 4A), Central Luzon, Davao Region at Western Visayas.