Ipakikilala na umano ang Kapuso actress na si Bea Binene bilang bagong contract star ng "Viva Artists Agency", ayon sa ulat ng isang entertainment site.

Ayon sa Philippine Entertainment Portal o PEP, matapos ang ilang dekada ay pipirma na sa VAA si Bea, na nagsimula ang career bilang bahagi ng "StarStruck Kids" noong 2004 at nanatiling proud to be a Kapuso.

Noong Abril 2021, hindi na raw ni-renew ang kontrata ni Bea sa Kapuso Network kaya nalungkot ang kaniyang mga tagahanga; bandang Hulyo, isang Bea naman ang binigyan ng eksklusibong kontrata, subalit ito ay si Bea Alonzo na nag-ober da bakod mula sa ABS-CBN.

Gayunman, napasama pa siya sa isang TV project na "The Fake Life" subalit matapos nito ay wala na siyang napabababalitang proyekto sa kaniyang home network.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Tanong ng marami, kung magiging Viva artist na si Bea Binene, posible kayang mapanood na rin siya o makapag-guest sa shows ng ibang network? O mananatili pa rin siyang loyal Kapuso?

Abangan na lang bukas, at ang mga susunod na kabanata!