Hindi pinalagpas ng direktor ng pelikulang "Katips" na si Atty. Vince Tañada ang isang basher na nagkomento ng malutong na mura sa kaniyang Facebook post.

Makikita sa Facebook post ni Atty. Vince nitong Setyembre 19 na tila may hawak siyang pasaporte, bilang paghahanda para sa world tour ng kaniyang pelikula. Kasama niya rito ang isa sa mga cast member na si Nicole Laurel.

"Where to, next? #katipsworldtour #KatipsTheMovie," aniya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Matatandaang inanunsyo ng abogado-direktor na magkakaroon sila ng world tour dahil mapapanood na rin sa iba't ibang bansa ang pelikulang Katips, hanggang Disyembre, bago matapos ang 2022.

Sa comment section, minura ng isang basher ang abogado matapos na tila "ma-trigger" sa kaniyang Facebook post.

"K!nang !na mu haha" anito.

Agad namang pinansin ito ni Atty Vince.

"I'll reply para po may pang kain ang pamilya n'yo. Thank," tugon niya.

Bumack-up naman ang mga netizen na tagasuporta ng direktor.

"Dagdag mo pa 'to. Kawawa ka naman."

"God bless you and keep you safe and your heart positive, may he guide you through each and use you to be a vessel of kindness to others."

Ngunit tila hindi nagpasindak ang naturang netizen at sumagot pa kay Atty. Vince.

"Vince Tanada, ay libelous" aniya.

Sa iba pang komento, may isang nagsabing mag-crowd reveal naman daw sila upang patunayang may nanood ngang mga Pilipino na nasa ibang bansa.

"Crowd reveal! Putek na 'yan puro mukha n'yo pinopost n'yo, world tour ba 'yan o travel vlog n'yo? Maryosep."

"Elmar Orosa ayan po salamat," tugon ni Atty. Vince at ibinahagi ang video clip ng crowd reveal.

Isang netizen naman ang nagsabing "nilangaw" daw ang Katips ngunit sa halip na magngitngit ay "Salamat po" ang sukli rito ng direktor.