Nagpalitan ng "I love you" sa isa't isa ang magkapatid na Julia at Claudia Barretto bilang pagpapakita ng suporta sa isa't isa, sa kabila ng "gap" na namamayani ngayon sa kanila, at sa ama nilang si Dennis Padilla.

Ibinida ni Julia ang bagong eyewear product ng kaniyang sariling negosyo ng accessories brand na "The Juju Club" sa kaniyang Instagram account.

"We’ve got new eyewear. All coming this weekend," ayon sa caption ni Julia.

Sa comment section, makikitang nagkomento rito ang kapatid na si Claudia.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Do you know I love you?" tanong ni Claudia.

Sumagot naman si Julia, "I do! I love you too Clau!"

Bago si Claudia, ibinahagi rin ng kanilang inang si Marjorie Barretto ang kaniyang appreciation post para kay Julia, na binabatbat ngayon ng intriga dahil sa naging panayam niya kay Karen Davila, na naging dahilan upang magpuyos ang damdamin ng amang si Dennis, kaugnay ng kaniyang mga naging rebelasyon.

Samantala, abangers na ang publiko sa magiging panayam ni Dennis kay Karen, bilang paliwanag sa kaniyang panig kaugnay ng mga nasabi ng anak sa vlog.