Naaawa at nanghihinayang si Manay Lolit Solis sa nangyayari ngayon sa aktor na si Vhong Navarro. 

"Nakakaawa aside from nakakahinayang iyon nangyari kay Vhong Navarro, Salve. Isang malaking aral sa mga stars natin. Kailangan maingat sa mga desisyon," saad niya sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, Setyembre 21. 

"Single si Vhong ng maganap ang sinasabing insidente ni Denice. Pareho silang young and available, kaya puwede naman siguro sabihin na baka mutual ang feeling nila nuon sa isa't isa," dagdag pa niya.

Nag-ugat ang kaso nang tangkain umanong gahasain ni Navarro si Deniece Cornejo sa loob ng inuupahang condominium unit sa Bonifacio Global City noong Enero 22, 2014.

National

‘Pinas, hindi babalik sa ICC – Malacañang

Naibasura na ito ng korte ngunit ngayong 2022, napagdesisyunan ng Court of Appeals (CA) na nararapat sampahan ng kaso si Navarro, at binaligtad ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) tungkol dito.

"For whatever reason sana hindi humantong sa ganitong pangyayari ang lahat. Sana naging maayos at maganda ang naging pag uusap. Ang laking bagay ang mawawala kay Vhong Navarro. Nasa itaas ang kanyang career sa kasalukuyan, masaya ang kanyang private life, pero heto nga, nangyari ang hindi inaasahan," saad pa ni Lolit.

Dagdag pa niya, "sayang dahil kahit ano pa sabihin mas malaki ang mawawala kay Vhong. Kung anuman ang relasyon o nagawa niya nuon , ibang Vhong Navarro na ngayon . Masaya na ang buhay niya sa sariling pamilya. At kung kelan tahimik saka dumating ang ingay na ito. Kahit ano pa ang mangyari, sana naman maayos ito."

Kawawa rin daw ang pamilya ni Navarro na umaasa sa kanya. Gayunman, ang wish lang ni Manay ay mailaban ito nang maayos ng aktor.

"Kawawa naman ang pamilya ni Vhong na umaasa sa kanya, siya ang sandalan ng kanyang panilya. Sana naisip din ng marami kung ano na ngayon ang mangyayari sa panilya ni Vhong. At sana din maayos ang lahat, sabi nga, lahat deserves a second chance in life, at isa si Vhong Navarro sa dapat bigyan nito. Wishing you the best sa laban mo sa buhay Vhong. Sana maayos mo ito."

Matatandaang kusang sumuko sa National Bureau of Investigation ang TV host-comedian-dancer sa kasong “act of lasciviousness” na isinampa rin sa kaniya ni Deniece at nagbayad ng piyansang ₱36,000 noong Setyembre 19 upang pansamantalang makalaya, subalit hindi naman inaasahan ang paglabas ng warrant of arrest para sa kasong rape, na non-bailable.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/21/kampo-ni-vhong-navarro-umaapela-sa-korte-na-makapagpiyansa-sa-kasong-rape/

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/19/vhong-navarro-di-makalalaya-1-pang-warrant-of-arrest-sa-rape-case-inilabas/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/09/19/vhong-navarro-di-makalalaya-1-pang-warrant-of-arrest-sa-rape-case-inilabas/

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/19/vhong-navarro-sumuko-sa-nbi-sa-kasong-acts-of-lasciviousness/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/09/19/vhong-navarro-sumuko-sa-nbi-sa-kasong-acts-of-lasciviousness/