Talaga nga namang kahit batbat ng intriga ang VIVA artist na si AJ Raval, hindi maipagkakailang maganda at seksi siya, kaya naman haling na haling sa kaniya ang mga lalaking nagpapantasya sa kaniya sa panonood ng mga pelikula niya sa "Vivamax".
Kaya naman, talagang dinumog ng mga netizen ang latest TikTok video niya kung saan ipinakita niya ang skincare routine para ma-achieve ang "nakakagigil na ganda!"
Product endorsement ito subalit ipinakita niyang ginagamit niya talaga ito upang mapangalagaan ang kaniyang kutis.
"NightZzzz My @queenwhite routine. 👑 Steps kung paano ma-achieve ang kutis na nakakagigil sa ganda & safe for sensitive skin," ayon sa caption ni AJ.
Makikita sa video na nakatapis lamang siya ng tuwalya at mukhang katatapos lamang maligo, at naghahanda na para sa pagtulog.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May nagsabi pa sa comment section na ang suwerte daw ni Aljur Abrenica, ang kaniyang rumored boyfriend.
"Sobrang ganda mo talaga AJ Raval!"
"Ganda mo talaga AJ."
"Suwerte ni Aljur!"