Ibinida ni Kapamilya actress Angelica Panganiban ang mga regalo ng kaibigan at soon-to-be-kumare na si Kim Chiu, para sa kaniyang baby.

Makikita sa social media platforms ni Angge ang pag-iisa-isa niya sa mga regalo ni Kim Chiu para sa kaniyang inaanak, na nasa sinapupunan pa niya.

"Grabe yung ninang Kimmy, hindi po siya nagpakabog sa mga padala. Ayaw po niya yung napag-iiwanan siya. Tingnan po ninyo, akala ko anak niya. Parang kinakabahan ako, parang ipinabitbit lang sa sinapupunan ko ang bata, parang kukunin po niya sa dami po ng kanyang ipinadala," biro ni Angge.

Nilagyan ito ni Angge ng aliw-caption na "Momsy @chinitaprincess, may contest po ba sa pagiging ninang?" at "Baka hiramin ko na lang sayo ang baby ko?"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Screengrab mula sa IG/Angelica Panganiban

Noong Setyembre 16, ibinahagi ni Angge ang appreciation Instagram post niya sa kaniyang mga kaibigan at ABS-CBN bosses.

"Alam ko may nagawa at ginagawa akong mabuti kaya naging ganito ako kapalad pagdating sa mga kaibigan ko. Salamat at sinamahan ninyo ko sa pinakamasayang siyam na buwan ng buhay ko," ani Angge.