Pinasimulan na ng kinabibilangang dance group na "Streetboys" ang isang movement para sa pagpapakita ng pagsuporta sa kanilang miyembro, na si "It's Showtime" TV host Vhong Navarro, dahil sa mga kasong kinahaharap nito, na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.

Hinikayat ng Streetboys ang madlang pipol na ibahagi ang pubmat na "We Stand with Vhong Navarro" na may hashtags na #WeBelieveVhong at #JusticeForVhong.

Sa matagal na pagkakasama at pagkakakilala umano ng mga miyembro ng Streetboys kay Vhong, alam nilang hindi magagawa ng aktor-TV host ang mga ibinibintang ni Deniece sa kaniya.

Sa kasalukuyan ay naka-detina si Vhong sa National Bureau of Investigation o NBI dahil sa non-bailable case na rape na isinampa sa kaniya ni Deniece.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/19/vhong-navarro-di-makalalaya-1-pang-warrant-of-arrest-sa-rape-case-inilabas/">https://balita.net.ph/2022/09/19/vhong-navarro-di-makalalaya-1-pang-warrant-of-arrest-sa-rape-case-inilabas/

Ngunit bago nito, nakapagpiyansa siya sa kasong "act of lasciviousness" na isinampa rin sa kaniya nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/19/vhong-navarro-sumuko-sa-nbi-sa-kasong-acts-of-lasciviousness/">https://balita.net.ph/2022/09/19/vhong-navarro-sumuko-sa-nbi-sa-kasong-acts-of-lasciviousness/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/20/vhong-navarro-makalulusot-pa-kaya-sa-rape-case-na-isinampa-ni-deniece-cornejo/">https://balita.net.ph/2022/09/20/vhong-navarro-makalulusot-pa-kaya-sa-rape-case-na-isinampa-ni-deniece-cornejo/

Nagpakita rin ng pagsuporta ang direktor ng pelikulang "Spirit Warriors" ng Streetboys noon na si Chito S. Roño para kay Vhong.

Noong nakaraang buwan (Agosto), matapos ang ilang taon, ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) ang muling pag-file ng rape and acts of lasciviousness charges laban kay Vhong na isinampa sa kaniya ni Deniece Cornejo, matapos maibasura ng Department of Justice o DOJ.

Ayon sa lumabas na desisyon ni Associate Justice Florencio M. Mamauga, Jr., granted ang petisyon na muling maihain ang kaso, at "reversed" at "set aside" ang naging desisyon ng DOJ noong Abril 30, 2018 at Hulyo 14, 2020.

Ibinasura ng DOJ ang apela ni Cornejo na muling i-review ang kasong two counts of rape na isinampa niya laban kay Navarro----na isang sexual intercourse at sexual assault, na naganap daw noong Enero 17 at 2, 2014. Ngunit ayon sa DOJ, walang probable cause upang maparusahan ang TV host sa naturang krimen.

Sa unang araw ng Agosto, bumungad na nga sa mga balita ang desisyon ng CA.

"The Office of City Prosecutor of Taguig City is thus DIRECTED to the informations against "Ferdinand 'Vhong' H. Navarro" for: (1) Rape by Sexual Intercourse under Article 266-A (1) of the Revised penal Code, as amended by Republic Act No. 8353; and (2) Acts of Lasciviousness under Article 336 of the Revised Penal Code."

Matatandaang nagsimula ang kasong ito noong 2014 matapos paratangan ni Cornejo si Navarro ng attempted rape. Na-involve sa kaso ang kaibigan ni Cornejo na si Cedric Lee at mga kasama nito matapos umanong bugbugin ang comedian-TV host sa condo unit sa BGC, dahil sa mga akusasyon ni Cornejo.

Noong Agosto 31, muling itinanggi ni Vhong ang akusasyon sa kaniya ni Deniece habang aminadong ang tanging kasalanan niya lang noon ay “niloko” niya ang kaniyang girlfriend at kalauna’y napangasawang si Tanya Bautista.

“Ang pagkakasala ko, ang kasalanan ko dito ay yung niloko ko yung girlfriend ko noon at ito na yung wife ko ngayon,” ani Vhong sa isang panayam ng ABS-CBN.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/01/court-of-appeals-aprub-sa-muling-pagsampa-ng-kaso-ni-deniece-cornejo-laban-kay-vhong-navarro/">https://balita.net.ph/2022/08/01/court-of-appeals-aprub-sa-muling-pagsampa-ng-kaso-ni-deniece-cornejo-laban-kay-vhong-navarro/

Bukod kay Deniece, usap-usapin din ng mga netizen ang cryptic tweets ng modelo/TV personality na si Kat Alano, na umano'y parinig daw kay Vhong.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/06/kat-alano-may-pinariringgan-either-you-stand-with-a-rapist-or-you-stand-with-the-truth/">https://balita.net.ph/2022/09/06/kat-alano-may-pinariringgan-either-you-stand-with-a-rapist-or-you-stand-with-the-truth/

Hindi naman kinumpirma ni Kat kung si Vhong ba talaga ang pinariringgan niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/20/kat-alano-muling-nagparinig-hustisya-laban-sa-nang-rape-sa-kaniya-nakamit-na-raw/">https://balita.net.ph/2022/09/20/kat-alano-muling-nagparinig-hustisya-laban-sa-nang-rape-sa-kaniya-nakamit-na-raw/