Kinilala at pinarangalan ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang isang parking aide, matapos itong papurihan ng isang motoristang nakaranas ng hika habang nagmamaneho sa Session Road.

Makikita sa Facebook page ng Public Information Office - City of Baguio ang paggawad ng sertipiko ng pagkilala kay Jobert F. Rivera, parking aide ng City Engineering Office.

Kuwento ng isang nagngangalang "Che Duterte", tinulungan at pinayagan umano siyang mag-park ni Rivera sa taxi lane nang makaramdam siya ng hika. Nagboluntaryo umano ang parking aide na siya na lamang ang bibili ng gamot para sa kaniya. Nang bigyan nito ng tip, ayaw nitong tanggapin ang pera.

"Pinayagan pa niya ako magpark saglit sa may taxi lane until I could catch my breath na… nakakaiyak ang kabaitan ni kuya, literally…" saad pa ng natulungang motorista.

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!

Umani naman ito ng inspirasyon mula sa mga netizen.

"We need more people like him. Salute!"

"The universe will bless him ten-fold! Mabuti at doon ka inatake, sa may mataong lugar. Also, always keep your rescue inhaler with you. Be well."

"Sometimes being kind is more important than being right! Kudos!"

"Sir Rivera… Thank you for having a good heart. Good deeds will never be forgotten… this story shall be passed on…"