Patok sa mga netizen ang kwelang kulitan ng mga artistang sina Sylvia Sanchez at Ice Seguerra sa kani-kanilang Instagram posts.

Sa birthday greeting post, ibinahagi ni Sylvia ang ilang larawan ni Ice na nakasuot lamang ng sando at naka-pose pa ang singer.

"Bwahahaha akala mo ha! Sexyyyy!!! woot... woottt. Happy happy Birthday nak hahahaha love you@iceseguerra," sey niya.

"Asawa mo@lizadino isali ko sa Mr. Universe hahahaha Piktyuran mo pa ako tuwing natutulog ako, sige lang! Dami ko ding nakatagong pictures mo!!! Mas matindi pa yan ahahaha Happy birthdaayyyyHahaha," dagdag pa pang-aasar pa ng aktres.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Syempre, sumagot din ang singer-songwriter sa comment section.

"Potaaaaaaa!!!! Hanep sa ganti!!!!!!! Taragis! Hahahahahahahaha!!!!!!!"

Ikinatuwa naman ito ng mga netizen dahil makikita sa comment section na tuwang-tuwa rin sila sa ipinost ni Sylvia.

Bukod dito, nagpost din si Ice bilang ganti at para rin magpasalamat sa greeting ng kanyang nanay-nanayan sa showbiz.

"Nakakabighani ka talaga kapag tulog, Nay. Salamat sa birthday greeting mong napakasweet. Laaaaabyu!!!"

Nauna na ring mang-asar umano si Ice nang picturan niya habang natutulog ang aktres at ipinopost ito sa Instagram.