Naniniwala umano ang aktres na si Julia Barretto na seryoso ang relasyon nila ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson, matapos siyang mauntag ni ABS-CBN news anchor Karen Davila, sa pinag-usapang vlog nito noong Setyembre 15, 2022.

Natanong ni Karen si Julia kung paano siya nag-deal sa naging isyu noon sa kanilang relasyon ni Gerald, matapos siyang akusahang third party sa relasyon noon ng aktor kay Kapuso star Bea Alonzo.

"Serious… I would say… I do feel safe in this relationship," ani Julia.

"I don’t think I’ll get into a relationship with somebody I don’t trust. I do trust him and he shows me that every single day, there’s just no reason for me to doubt…"

Politics

Detention order vs. Grijaldo, binawi ng Quad-comm!

Pinabulaanan din ni Julia ang mga kumakalat na tsikang nagkahiwalay na raw sila ni Gerald, at nabuntis pa umano ng nobyo ang katambal sa pelikulang si Kylie Padilla.