Muli na namang pinagpipiyestahan ng bashers ang mga kumakalat na litrato nina Toni Gonzaga at Ella Cruz sa isang Facebook page na hindi pa kumpirmado kung lehitimo at opisyal na Facebook page ng Villar-owned TV network na "ALLTV", dahil umano sa mababang kalidad ng graphics design nito.

Matatandaang nauna nang nalait ng mga netizen ang naging performance ng dalawa sa soft opening ng network noong Setyembre 13.

Sa Facebook page na ito, itinampok ang dalawang contract artists sa pamamagitan ng pagbibigay-tuon sa kanilang mga titulo.

Bago pa man mag-ober da bakod si Toni sa ALLTV, tinagurian na siyang "Ultimate Multimedia Star" sa ABS-CBN dahil sa kaniyang mga patok na teleserye, hosting, album, at pelikula.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Si Ella Cruz naman, na kamakailan lamang ay naging kontrobersyal dahil sa "history is like tsismis" comment, ay binansagang "Millennial Dance Princess".

Sinita naman ng mga netizen ang kalidad umano ng dalawang larawan. Anila, marami na raw makabagong paraan at online applications ng pag-eedit ng mga photo ngayon, gaya ng "Canva".

Hirit pa ng mga netizen, baka nangangailangan daw ang network ng magagaling na graphic design artists. May nagsabi pang baka marketing strategy raw ito ng network para ipanawagan sa publiko na nangangailangan sila ng graphics designer.

Sa FB page ding ito lumabas ang pubmat na magsasama sa kauna-unahang flagship talk show ng ALLTV ang mga contract artists nitong sina Mariel Rodriguez at Ciara Sotto.

"Paparating na ang bago n'yong kakulitan, kakwentuhan, at kaaaliwan! Samahan sina Mariel Padilla at Ciara Sotto sa kauna-unahang TV TALK SHOW ng ALLTV. Malapit na malapit na!" ayon sa caption.

Panawagan ng mga netizen, i-fact check kung lehitimo at opisyal na Facebook page ba ito ng network, dahil kauumpisa pa lamang daw ay nalalait na ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/20/mariel-at-ciara-magsasama-sa-kauna-unahang-talk-show-ng-alltv/">https://balita.net.ph/2022/09/20/mariel-at-ciara-magsasama-sa-kauna-unahang-talk-show-ng-alltv/

Anyway, wala pang kumpirmasyon mula kay Willie Revillame o sa iba pang ehekutibo ng ALLTV ang umano'y pagsasama nina Mariel at Ciara sa isang talk show, o kung may makakasama pa silang iba. Wala pa rin itong pamagat.

Maging sa opisyal na Facebook page ng ALLTV ay hindi rin mababasa ang naturang pubmat, at wala pang anunsyo tungkol sa kauna-unahang talk show ng ALLTV.