Nasa 14,707 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang naitalang sa bansa mula Setyembre 12 hanggang 18, 2022.

Sa case bulletin ng DOH, ang naturang bilang ay katumbas ng daily average new cases na 2,101.

Mas mababa umano ito ng 4% kumpara sa mga naitalang kaso noong Setyembre 5 hanggang 11.

"Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 2,101, mas mababa ng 4 percent, kung ikukumpara sa mga kaso noong Setyembre 5 hanggang 11," saad ng DOH.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Sa mga bagong kaso, pito ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Nakapagtala rin ang DOH ng 248 na binawian ng buhay sa sakit.