Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) si comedian, television host Vhong Navarro kasunod na rin ng warrant of arrest na inilabas ng korte sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo noong 2014.

Si Navarro (Ferdinand Navarro sa tunay na buhay), ay sinamahan ng kanyang abogadong si Alma Mallonga sa NBI matapos upang hindi na ito arestuhin ng mga awtoridad matapos iutos ni Taguig Metropolitan Trial Court Branch 116 Judge Angela Francesca Din ang pag-aresto sa kanya nitong Lunes ng umaga.

Inilabas ng hukuman ang warrant nang makitaan ng probable cause ang reklamo laban kay Navarro.

Inirekomenda naman ng korte ang piyansang₱36,000 para sa pansamantalang kalayaan ni Navarro.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Nag-ugat ang kaso nang tangkain umanong gahasain ni Navarro si Cornejo sa loob ng inuupahang condominium unit sa Bonifacio Global City noong Enero 22, 2014.

Kamakailan, iniutos ng Court of Appeals na sampahan si Navarro ng rape matapos umanong gahasain si Cornejo sa nasabi ring lugar noong Enero 17, 2014.