Nag-react ang online personality na si Valentine Rosales sa nangyayaring isyu ngayon sa pagitan ng mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto, na nag-ugat sa mga naging pahayag ni Julia sa panayam sa kaniya ni ABS-CBN news anchor Karen Davila, sa latest vlog nito.

Inamin ni Julia na hindi pa niya napapatawad ang kaniyang ama, sa kung anuman ang nangyari sa kanila sa nakaraan, na maaaring dahilan kung bakit tila ilang at dedma silang magkakapatid sa mga social media post ni Dennis patungkol sa kanila.

Bagay na pinalagan naman ni Dennis at agad na tinawag ang atensyon ni Karen. Nais daw niyang magkaroon ng panayam dito ASAP para maipaliwanag naman ang kaniyang panig.

Anyway, si Valentine naman ay pumanig kay Julia, batay sa kaniyang Facebook comment sa pagtawag naman ng atensyon ng tiyahin ni Julia na si Optimum Star Claudine Barretto kay Dennis.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"During those days na lumalaki mga anak mo and need ng father while they are struggling with the challenges of life missing in action ka?"

"Now that Julia is rich and famous tapos may sarili nang utak to decide for her own, bigla kang present?"

"Such a Good Father… Go Claudine!"

Sa isa pang Facebook comment, tila pinayuhan ni Valentine si Dennis na huwag nang isapubliko kung anuman ang hidwaan nilang magpamilya. Baka raw sa halip na mapalapit siya sa mga anak at maresolba ang mga problema nila, baka mas maging dahilan pa ito upang mapalayo pang lalo ang loob nina Julia, Claudia, at Leon sa kaniya.