Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang hirit sa kaniya ng partner na si Gregg Homan, na ama ng kaniyang ipinagbubuntis.

Sa isang Instagram story, sinabi kasi ni Gregg na ang gandang buntis ni Angge.

Dahil dito, parang bet kaagad sundan ni Gregg ang panganay nila ng aktres, pagka-panganak nito.

Ibinahagi naman ni Angelica sa kaniyang IG story ang "pilyong" hirit sa kaniya ng non-showbiz jowa, na isang negosyante.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Napakaganda mong buntis. Sundan kaya natin kaagad si Bear, " ayon sa text caption ni Gregg.

Screengrab mula sa IG ni Gregg Homan

Matatandaang noong Marso, si Angelica mismo ang nagkumpirma sa mga kumakalat na pregnancy rumors tungkol sa kaniya.

“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka-importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako, [emojis]” mababasa sa Instagram post ni Angge kung saan makikita rin ang larawan at bidyo ng kanyang ultrasound.

“Opo, may matres ako mga baklaaah! ? Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu ? may pamilya na ‘ko ? kaiyaq pramis ?” pagpapatuloy ni Angge.

Masayang-masaya umano si Angge sa kung anuman ang nangyayari sa kaniya ngayon.