Hindi pinalampas ng Pinoy netizens ang ngayo'y viral social media post tampok ang isang Thai motosport champion dahil kahawig umano ito ni Pangulong Bongbong Marcos?

Viral sa Facebook ang post ng user na si Kewalrin Saekuay noon pang Lunes, Setyembre 12 tampok ang isang champion ng isang motorsport na si Ton Korat.

Base sa detalye ng account, sa nakabase ang user sa Thailand.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

Dahil kasi sa malikot na imahinasyon ng Pinoy netizens, kahit na may suot itong face mask ay napagkamalan pa ring si BBM ang naturang biker.

Tila na-spam naman ang naturang post ng mga kuwela at pabirong komento ng mga Pinoy.

“Puro ka motor, nagtataasan na nga ang bilihin sa bansa natin ano ba,” pabirong komento ng isang Pinay.

“Yan na ba yung Tallano Gold?” tanong ng isa pang pilyong Pinoy sa hawak nitong golden trophy.

“Uy bagong pandagdag sa credentioals ni President!”

“Iyak na naman ang mga pinklawan!”

“Naghihirap ang bansa ano na!”

Isang Pinoy namang ang nagpaliwanag na sa mga Thai audience ng post.

“To Thais here - he looks like President Bongbong Marcos!” 😂

Samantala, nadawit din sa viral post hindi lang ang Pangulo kundi maging ang itinuturong local celebrity ka-lookalike nito na si Beks Batallion member at komedyante na si MC Muah.

Habang sinusulat ang istoryang ito, mayroon nang mahigit 10,000 reactions at mahigit 20,000 shares ang naturang post.

Tila hindi naman pinapansin ng naturang Facebook user ang nagkumpulang Pinoy sa kaniyang Facebook post.