“Tapangan ninyo.”

Ito ang diretsahang payo ni “Unkabogable Star” Vice Ganda para sa pinakabagong Idol Philippines grand winner.

“Sana maraming magbukas na opportunities sa’yo. Sana mag-stay ka muna dito sa network na ‘to,” ani Vice na tila ikinagulat at ikinatawa na lang ng judges.

Matatandaang nitong taon, nag-ober da bakod sa Kapuso Network si Zephanie Dimaranan, ang unang champion ng nasabing reality show sa ABS-CBN.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Basahin: Zephanie sa kaniyang naging Idol Philippines journey: ‘Masaya ako na naging part yun ng life ko’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Si Vice ang special guest sa finale ng programa nitong Linggo, Setyembre 18.

“Sa mananalo at sa lahat ng mga sumali na nagsimula naman na ang kanilang singing career, tapangan ninyo. Tapangan ninyo kasi lahat mering talent pero ‘do lahat matapang kaya bumibigay agad,” dagdag ni Meme.

“Sa napakaraming pagsubok na haharapin, hindi easy ‘tong showbiz. Hindi easy money. Akala nila easy money. Andami mong isasakripisyo dito at lahat yon kailangan may kasamang tapang kaya tapangan ninyo,” pagtatapos ng Kapamilya star.

Si Khimo Gumatay ang itinanghal na Idol grand winner para sa season 2 ng Idol Philippines.

Idol Philippines Grand Winner Khimo Gumatay via Facebook

Isang milyong piso, house and lot at recording contract mula ABS-CBN Star Music ang ilan lang sa mga naiuwi ng 22-anyos na hopeful.

Samantala, muling magbabalik sa ere ang ikalawang season ng “Everybody Sing” sa pangunguna ni Vice Ganda simula Setyembre 24.