“Confused” ang Pinay-British singer-songwriter na si beabadoobee matapos siyang abutan ng birth certificate ng isang fan sa naganap na homecoming concert kamakailan.

Espesyal na nagbabalik sa bansa si Beatrice Kristi Laus o mas kilala bilang beabadoobee para sa unang leg ng kaniyang “Beatopia” Asia Tour ngayong taon.

Mainit na sinalubong at naki-jam noong Biyernes ang fans ng Fil-Brit artist sa New Frontier Theater sa Qezon City noong Biyernes.

Headline din ang singer sa ilang mainstream media na hindi aniya niya akalaing mangyayari sa kaniyang pagbabalik-bansa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kaya naman sinulit din ni beabadoobee ang Maynila at makikita siyang naglibot bago lumipad ng Singapore sa ikalawang leg ng kaniyang Asian Tour.

Samantala, viral naman ang isang Facebook post ng Fil-Brit  singer tampok ang kaniyang Instagram story.

beabadoobee/radvxz via Instagram story

Ang singer, “confused” nang makatanggap ng birth certificate mula sa isang fan.

“Thank you for all your lovely gifts Manila! Someone gave me their birth certificate? And I’m really confused but yeah love u guys lol,” mababasa sa IG story ni beabadoobee.

Karaniwang biro ito ng millennials at Gen Z music fans upang “amponin” ng iniidolong artists.

Umabot sa mahigit 30,000 laughing reactions ang natanggap ng post sa isang Facebook community sa pag-uulat.

Ang Iloilo-born artist ay sikat sa mga kantang “death bed,” “the perfect pair,” “Tired,” bukod sa iba pa.