Matatandaang sinabi noon ng actress-host laban “sa lahat ng nasa posisyon” na hindi makakalimutan ng mga trabahor ng Kapamilya network ang ginawang pagpapasara sa free broadcast nito.
Naiulat kamakailan ang umano’y tumataginting na halaga ng kontrata ni Toni sa Villar Network AMBS kasunod ng paglipad sa ere kamakailan.
“Alam mo na, it’s all over the papers, na ang kontrata raw na pinirmahan ni Toni Gonzaga sa AMBS-2, sa AllTV, ay half bilyon pesos o 500 million. Pang ilang programa kaya ito? Alam ko dalawa eh, baka madadagdagan,” saad ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kaniyang programa kamakailan.
Hindi naman pinagpas ng netizens sa isang Facebook community at tila inungkat ang nakaraang pahayag ni Toni nang ipasa ang ABS-CBN noong 2020.
“Sa lahat ng nasa posisyon ngayon, hindi naming makakalimutan ang ginawa nyo sa mga trabahador ng ABS-CBN. You may have the power now but it will not be forever. I believe that no mater who the President is, JESUS is still KING and He is the name above ALL names. Lord yakapin mop o lahat ng mga Kapamilya naming na nawalan, nasasaktan at nanghihina,” saad noon ni Toni.
Tila hirit ng netizens sa actress-host, P500-M umano ang naging katapat ni Toni para baliktarin ang nasabing pahayag.
“Ok na sana, wala na akong pake kung kinailangan nya talaga ng pera kaya kumapit sya sa patalim, pero does she need to drag the Lord’s name with it? She’s the best example of performative Christianity,” komento ng isang netizen.
“Si Marcos naman panay pa-interview sa vlogs o di naman work related interviews pero di mo mahingan ng solusyon sa krisis ng bansa.”
“Just how fast the night changes.”
“Money Talks > Toni Talks XD.”
Matatandaan din ang naging kontrobersyal na pag-endorso noon ng actress-host sa noo'y party list nominee na si Rodante Marcoleta, kilalang kritiko ng Kapamilya network noong kasagsagan ng kampanya para sa nagdaang May 2022 elections.
Kamakailan, opisyal nang naging bahagi ng AMBS ALLTV si Toni matapos ang ilang dekadang pamamalagi sa Kapamilya Network.