Dahil only child lang si Juliana Gomez, tanggap na ng actor-turned-politician na si Richard Gomez na darating talaga 'yung panahon na magkakaroon ng boyfriend ang kanyang anak.

Sa vlog ni Ogie Diaz na umere noong Setyembre 15, isa sa mga napag-usapan ay ang tungkol sa lovelife ng kanyang nag-iisang anak na si Juliana.  

"Wala tayong magagawa 'di ba? Tinanggap ko na talaga 'yung fact na darating 'yung panahong magkakaedad si Juliana," saad ni Goma.

"Syempre magkakaroon ng boyfriend 'yan eh maganda yung bata, liligawan 'yan. Sinabi ko lang sa kanya alam mo sa itsura mong 'yan talagang maraming aali-aligid sa paligid mo," sey pa niya."Bantayan mo lang, pili ka lang nang mabuti kasi kung lalaki lang napakaraming lalaki diyan."

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Dahil naging playboy umano noon si Goma, takot din siyang mapunta si Juliana sa lalaking katulad niya. Naging open naman siya sa anak tungkol sa mgapinagdaanan niya. Alam niya raw ang mga galawan ng mga lalaki gayundin sa mga babaeng madali umano bolahin at sinerseryoso.

"Sabi ko, 'bata ka pa 'wag mo masyado seryosohin. Basta relax ka lang. Relax ka lang, enjoy it' dahil ako nag-enjoy din ako eh nu'ngbata kasi ako," anangaktor.

Paalala niya sa anak, "'Kung pipili ka ng boyfriend, 'wag kang pumili ng boyfriend na katulad ni Richard Gomez. Kasi noong bata 'yun babaero 'yun, eh. Malapit 'yan sa babae, ma-chicks 'yun.'"

"'Pero kung mag-aasawa ka na, pumili ka ng lalaki na katulad naman ni Richard Gomez. Nag-iba na siya. Matino na, mas mabait na'," sey naman niya.

Lahat naman daw ng mga umaakyat ng ligaw kay Juliana ay kinakausap niya.

Samantala, pangarap daw nila ng kanyang asawa na si Lucy Torres na magkaroon ng apat na anak ngunit isa lang daw ang ipinagkaloob ng Panginoon sa kanila.