Nananawagan ng boto si dating Vice President Atty. Leni Robredo, hindi para sa alinmang halalan, kundi para sa children's book na "Dancing Waters: Story of Leni Robredo" na nominado para sa Filipino Readers’ Choice Awards.

Ang naturang children's book ay isinulat ni Yvette Fernandez, sa ilustrasyon naman ni Abi Goy. Sa kaniyang Facebook page noong Martes, Setyembre 13, nanawagan si Robredo na iboto ito.

"Dancing Waters: The Story of Leni Robredo, has been nominated for the Filipino Readers’ Choice Awards. It’s on page 13 under Children’s Picture Books Batch 2 (2019 to 2021). (Each unique email address can vote once. You can vote in multiple categories.) Please, please make your vote count! 💕" ayon sa caption, kalakip ang litrato nila ng awtor.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Samantala, isa pang aklat tungkol kay Robredo ang nominado rin sa kategoryang Translated Work. Ito ay ang "Servant Leader Leni Robredo" na isinulat ni Prof. Ed Garcia.

Isang netizen na nagngangalang "Chie Mercader" ang nanawagan sa mga Kakampink na iboto ang dalawang aklat na ito.