Laugh trip ang dulot sa mga netizen ng isang lalaking nagpa-tattoo sa kaniyang buong anit upang magmukhang permanenteng buhok.

Makikita ito sa Facebook page na "Bacolod Tattoo Artist" noong Miyerkules, Setyembre 14, 2022.

"Satisfied client, salamat sir sa pagtitiwala. Hahahaha #Goodmorning," ayon sa caption. Kalakip nito ang mga litrato ng tinukoy na customer.

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!

Naging mabilis naman ang mga netizen at kaagad na ginawan ng memes ang tattoo sa anit ng customer. May ilang inihalintulad ito sa isang bola ng bilyar, may ilang naglagay ng logo ni Batman, at ang iba naman, permanenteng helmet na raw ito. May nagsabi pang para daw itong cap ni Darna, itim nga lang.

"Parang helmet lang hahaha."

"Hahaha, permanenteng helmet?"

"Mala-Batman o Darna hahaha."

"Kakaibang trip ni Kuya…"