To the rescue ang isang concerned netizen matapos ibahagi ng isang nagngangalang "Renche Corrales" ang nangyari sa kaniyang kaibigang food delivery rider na si "Jayson" na pinagtripan ng kaniyang customer, sa pamamagitan ng pag-order ng mga pagkaing nagkakahalagang ₱3000, subalit hindi naman nito kinuha o binili.

Halos manghina raw ang kaniyang kaibigan dahil hindi raw sinagot ng customer ang kaniyang mga tawag, at ilang minuto lamang ay binlock pa siya nito.

Ilang minuto lamang, may isang mabuting loob na netizen ang kumontak kay Renche upang bilhin na lamang ang mga inorder na pagkain ng "manggogoyong" customer.

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. Hangad daw nila, sana raw ay maipasa na bitang batas ang sim registration bill upang ma-trace ang mga ganitong klaseng kalokohan.

Hindi kasi ito ang unang beses na may naibalitang delivery rider na nagoyo ng isang customer.