Nauuso ngayon sa TikTok ang pag-dubsmash ng awiting "Gusto Ko Nang Bumitaw" na bakulawan at "bardagulan" version nina Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid at Asia's Phoenix Morissette Amon sa segment na "The Greatest Showdown" ng musical variety show na "ASAP Natin 'To".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/11/bardagulan-nina-regine-at-morissette-sa-asap-usap-usapan-trending/">https://balita.net.ph/2022/09/11/bardagulan-nina-regine-at-morissette-sa-asap-usap-usapan-trending/

Maging ang mga sikat na celebrity ay nakikiuso na rin, kabilang ang Kapuso artist at napapanood sa karibal na show ng ASAP na "All-Out Sundays" o AOS, na si Rochelle Pangilinan.

Si Rochelle ay nagsimula at sumikat bilang pinuno at isa sa mga dancer ng "Sex Bomb Girls" ng noontime show na "Eat Bulaga" bago pasukin ang pag-arte.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kaniyang TikTok video ay ipinakita ni Rochelle ang kaniyang pag-dub sa naging trending na duet nina Ate Reg at Mori. Kunwari, siya si Songbird at todo-emote sa pagbirit nito. Ang gamit niyang kunwaring mikropono ay remote control ng TV na may balot pa ng plastik.

Pinuri naman ng mga netizen si Rochelle dahil ang galing-galing at entertaining ang kaniyang ginawa.