Nabigla ang dating Kapuso actress na si Ryza Cenon nang matanggal ang bill ng tubig para sa buwan ng Setyembre, batay sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Setyembre 16, 2022.

Hindi nakapagtimpi si Ryza at minention pa ang Maynilad.

"Ano kami may carwash?"

"10pm-4am nawawala na ng water samin. Tapos ang hina hina ng tubig namin from 5am-9pm. So paki explain Maynilad Water Services, Inc. from 1,101.02 last month ngayon 120k?!!!?????" ayon sa kaniyang caption.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Kalakip nito ang dalawang litrato ng water bill na natanggap niya noong Agosto at ang inirereklamong bill ngayong Setyembre.

Sa isa pang Facebook post ni Ryza, ipinakita niya ang video ng paliligo ng anak na si Night sa maliit na inflatable swimming pool. Mahina raw kasi ang daloy ng tubig sa kanilang gripo kaya tipid-tipid na muna.

"Ganito na nga lang swimming pool ni Night kasi mahina tubig namin e. Haaay!" aniya.

Samantala, wala pang update ang Maynilad tungkol sa isyung ito.