"Thank you for that wonderful performance group 1," sey ng netizen

Bukod kay Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga, hindi rin nakaligtas sa mga mata ng netizens ang Millennial Dance Princess na si Ella Cruz sa kanyang performance sa AllTV.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/15/performance-ni-toni-gonzaga-sa-opening-ng-alltv-inulan-ng-samut-saring-reaksiyon/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/09/15/performance-ni-toni-gonzaga-sa-opening-ng-alltv-inulan-ng-samut-saring-reaksiyon/

Noong Setyembre 13, matagumpay na naisagawa ang soft launch ng AllTV, ang bagong TV network na umeere sa dating frequencies ng ABS-CBN, na pagmamay-ari ng dating senador at business tycoon na si Manny Villar.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Habang isinusulat ito, kasalukuyang pinag-uusapan ng mga netizen ang dance performance ni Ella.

Ipinost ng AllTV sa kanilang Facebook page nitong Biyernes, Setyembre 16, ang video ng 'intense hatawan' performance ng aktres.

Dito rin makikita ang samu't saring reaksyon ng mga netizen. 

"Thank you for that wonderful performance group 1"

"Kala ko ayaw na ni sara mga pa event sa barangay?"

"Kuya pa follow up po ng sisig"

"Tapos na performance, exchange gift na."

"This is giving me beerhouse sa kanto"

"thank u po millennial dance princess for that wonderful perf omg ganda ng remix"

"Intense na intense talaga nangingisay sila lahat"

"POV: Bagong employee na gusto ng Christmas Bonus. Chz!"

"Ang daming dancers hahaha nag mukhang zumba class hahahahah"

"Pacancel na po yung order namin na crispy pata at isang bucket"

"Another Successful Mall Tour!#168Mall Tinalo ang IsetanRecto ni Queeen Toni"

"Ganto tunog sa jeep sa cubao pag pauwi ka na pagod na pagod tas 10pm na"

"Get better choreographers that can train the dancers and artists better. Masyadong stuck sa 90’s yung style."

"From historian to dance instructor"

Kasalukuyang itong may mahigit 15k reactions, 1.3k comments, at 3.3k shares.