Na-bother daw nang slight ang talent manager na si Ogie Diaz sa production number ng TV host-actress na si Toni Gonzaga dahil sa sound system ng AllTV sa soft launch nito noong Setyembre 13.

Nitong Huwebes, Setytembre 15, ni-reshare ni Ogie ang post ng AllTV na kung saan mapapanood si Toni habang kumakanta ng "Levitating" ni Dua Lipa.

"Nangiti lang ako nu'ng una, eh. Hanggang sa mapabungisngis na ako kalaunan habang pinanonood ang prod ng aking kumareng Toni. Ganitong-ganito 'yung mga napapanood ko sa GMA Supershow ni Kuya Germs nu'ng araw," sey niya.

Pero nilinaw naman niya na na-bother lang siya sa audio ng naging performance ng aktres.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Pero sana, mag-invest nang bongga sa sound system o sa recording. Baka kahit si Toni kung panonoorin uli ito, hindi niya ipagmamalaki yung performance niya, eh. Lalo na yung audio niya," anito.

"Di bale, nag-uumpisa pa lang naman. Pasasaan ba't maaayos din ito. Na-bother lang talaga ako nang slight. Kasi, sa mga singers, big deal talaga sa kanila ang audio at sound system, eh. Baka gusto lang talagang mag-perform ni Toni at magbigay-saya," dagdag pa niya.

Bukod dito, usap-usapan din ng mga netizen ang naturang production number ng aktres kaya't inulan ito ng samu't saring reaksyon.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/15/performance-ni-toni-gonzaga-sa-opening-ng-alltv-inulan-ng-samut-saring-reaksiyon/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/09/15/performance-ni-toni-gonzaga-sa-opening-ng-alltv-inulan-ng-samut-saring-reaksiyon/

Samantala, ikinumpara rin ng mga netizen ang production number ni Toni sa Dua Lipa cover ng aktres na si Anne Curtis.

Agad nag-viral sa Facebook ang performance ni Anne sa “Levitating” cover ni Dua Lipa.

Dito ikinumpara ng netizens ang anila’y kapansin-pansing de kalidad na production number ni Anne kumpara sa naging stage comeback ni Toni.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/16/anne-vs-toni-dua-lipa-cover-ni-anne-curtis-ikinumpara-sa-dance-prod-ni-toni-sa-allta>