Kung kotse ang regalo ng online personality na si Whamos Cruz sa kaniyang nobyang si Antonette Gail del Rosario kamakailan, isang arcade machine naman ang pina-customize ng huli para sa kaniyang nobyo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/09/whamos-cruz-niregaluhan-ng-bagong-tsikot-ang-partner-niya-para-sa-kanilang-14th-monthsary/">https://balita.net.ph/2022/09/09/whamos-cruz-niregaluhan-ng-bagong-tsikot-ang-partner-niya-para-sa-kanilang-14th-monthsary/

Sa kaniyang latest vlog, sinabi ni Antonette na gusto niyang sa bahay na lamang nila maglibang ang jowa kaya binilihan niya ito ng arcade machine; bukod pa rito, naikuwento sa kaniya ni Whamos na noong bata pa ito, mahilig ito sa video games na nasa arcade.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Pinalagyan pa ni Antonette Gail ng "Whamonette" ang naturang arcade machine, na mula sa pinagsama nilang pangalan.

"Alam ko na matutuwa siya kasi noong bata siya, ikinukwento niyang mahilig siyang maglaro ng video game," ani Antonette Gail.

Maligayang-maligaya naman ang kaniyang live-in partner sa kaniyang bagong laruan at agad itong ipinaakyat sa kaniyang studio at nilaro.

Napa-sana all na lamang talaga ang mga tagahanga at tagasubaybay nilang mga netizen.