Humihingi ng tulong pinansyal ang singer-songwriter na si Aicelle Santos para sa kanyang ina na kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) matapos ma-cardiac arrest tatlong linggo na ang nakararaan.

"We humbly ask for your support in our fight to keep our mom alive. Sharing this link/post and donating any amount through our #GoFundMe account will be a great help to us," saad ng singer sa kanyang Instagram post nitong Huwebes, Setyembre 15.

"Mommy remains on a mechanical ventilator in the ICU and has not regained consciousness since her cardiac arrest three weeks ago," dagdag pa niya.

Nagbigay ng mga detalye si Aicelle kung paano makakatulong sa pamamagitan ng GoFundMe at bank transfer.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Noong Agosto 23, ibinahagi ng singer na nasa kritikal na kondisyon ang kanyang ina na si Leonila.

"Hiling po ako sa inyo ng panalangin para sa aming mommy who's in critical condition right now. Her name is Leonila Santos.Panginoon, dugtungan niyo pa po ang buhay ni mommy. Isang pagkakataon pa po Lord.With You nothing is impossible," saad ni Aicellesa Instagram post.

At nito lamang Setyembre 6, ikinuwento niya na hindi pa rin gumigising ang kanyang ina. Pero kahit na ganun, buo pa rin ang pananalig nila sa Panginoon.

"Ma, this is us lately (2nd-4th photo), hinihintay ang iyong paggising. Un pangatlong picture, nagdarasal diyan si Zandrine na pagalingin ka na ni Papa Jesus.It's been 16 long days. Lalong mahirap pag sumasapit ang gabi," aniya.

"Pero buo ang pananalig namin sa Panginoon..Na bukas gigising ka na parang walang nangyari, na wala ka ng sakit.And we declare life upon you and complete healing in the mighty name of Jesus!

"We miss you ma! Gising ka na po!"