Excited na ibinigay ng 'momski' na si Vilma Santos-Recto ang mga regalo para sa kanyang apo na si 'Peanut'-- magiging anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Dahil hindi na makapaghintay sa baby shower, sinabi ni Vilma sa kanyang recent vlog na bumili na siya ng mga regalo para sa kanyang unang apo.

"This is for you Peanut!" excited na pagkakasabi ng batikang aktres.Nang buksan ang mga regalo, ito ay mga milk bottles at sterilizers.

“Ito na ngayon 'yung pinaka-latest kasi talagang pina-check ko if it is safe. But sabi nila this is the best now especially with the klase ng environment that we have. This is going to be very good for the baby," sey ni Vilma.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“It’s UV na. 'Yung mga pang steam, it’s already UV na for the baby," dagdag pa nito.

Grabe ang tuwa naman ni Jessy at pinasalamatan ang kanyang mother-in-law. Aniya, hindi pa raw lumalabas ang kanilang baby ay spoiled na raw agad ito.

Samantala, nagbigay naman ng advice si Vilma sa mag-asawang sina Luis at Jessy

“Ako kasi as momcyV, I am so excited and continuously praying for Peanut to be okay.Syemprepara naman sa inyo. it’s going to be the next chapter in your life. I am not saying it’s going to be very smooth pero still the most important thing is lagi kayong mag-iisip as one,” advice niya.

“Kasi wala na kayong choice. Mag-partner na kayo ‘di ba. Meron kayong dadaanang challenges. May time na mag-aaway kayo. May time pag-aawayan n'yo rin si Peanut, sa totoo lang. But ang pinakaimportante, as long as respect and love is there, anak tandaan n’yo the most important unit in our society is family.

"Lahat ng inspirasyon, strength, encouragement manggagaling sa pamilya. Kung gusto n'yo magkaroon ng magandang future ang anak n'yo, bumuo rin kayo ng maganda at maayos na foundation for your children," ayon pa kay Vilma.