Tila suportado ni Manay Lolit Solis ang relasyon ng Kapuso actress na si Rhian Ramos at negosyanteng si Sam Versoza. 

Sa isang Instagram post nitong Martes, Setyembre 13, nauna niyang pinuri ang aktres dahil sa pagiging honest nito. 

"Alam mo ba Salve bakit ko mahal si Rhian Ramos? Kasi very honest siya, itanong mo sasagot siya. Hindi magtatago. Ilalambing lang niya na huwag mo isulat o sabihin sa iba," sey ni Manay. 

Binanggit naman niya na masaya ang dalawang magkasintahan at wala raw umano itong sinasaktan at tinatapakan na tao.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Open sila pero hindi maingay. Basta iyon lang, maligaya sila. Wala silang sinasaktan na tao , walang inaabala, wala tinatapakan. Kung meron man naging past, inayos na nila, kaya Ok ang lahat," anang showbiz columnist at talent manager.

"Naalala mo ng itanong natin kay Sam noon interview natin siya Salve, sabi niya kay Rhian itanong. Kaya up to now, heto, tuloy ligaya nila, na sana forever na. Congrats Rhian for finding happiness. Salamat Sam for making Rhian happy. Goodluck," dagdag pa niya.

Sa hiwalay na Instagram post ni Manay, makikitang dinalaw siya ni Rhian habang nasa dialysis session siya. Laking gulat daw niya na dinalaw siya nito dahil hindi naman daw mahilig lumabas ang aktres.

Kamakailan ipinagdiwang ni Sam ang kaniyang kaarawan at highlight sa kaniyang selebrasyon ang ibinahaging P5 milyon sa ilang charitable foundation.

Ito ang iflinex ng Frontrow Enterprise CEO and President sa kaniyang Instagram noong Martes kasunod ng kaniyang engrandeng selebrasyon noong Sabado sa Okada Manila.

Sa Instagram post naman ni Rhian, sweet niyang binati ang kanyang jowa na kinakiligan ng mga kaibigang kapwa celebrities.

"Happy birthday Booboo, there’s no one like you🤍@samverzosa”

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/13/rhian-ramos-sa-birthday-ng-boyfriend-na-si-sam-verzosa-theres-no-one-like-you/