Nag-count down na ang direktor ng "Maid in Malacañang" (MiM) na si Direk Darryl Yap para sa sequel nitong "Martyr or Murderer" (MoM).

"Kailan, Saan, Ano ang larawang ito? Parating na Part 2 ng #MAIDinMALACAÑANG #MiM #MoM #MARTYRorMURDERER," ayon sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Setyembre 13, 2022.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Mukhang iikot ang MoM tungkol kay Senador Ninoy Aquino na may malaking partisipasyon noon sa nangyari sa pamilya Marcos, dekada '70.

Hinihintay na rin ng mga netizen kung sino nga ba ang artistang gaganap bilang si dating Senador Ninoy Aquino. Batay kasi sa inilabas na artwork ni Yap, kamukha ito ng dating karelasyon ni Kris Aquino na si Philip Salvador, na tatay naman ni Joshua Aquino.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/08/gaganap-na-ninoy-aquino-ipe-o-bistek-raw-hula-ng-mga-netizen-sampal-umano-kay-kris/">https://balita.net.ph/2022/08/08/gaganap-na-ninoy-aquino-ipe-o-bistek-raw-hula-ng-mga-netizen-sampal-umano-kay-kris/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/20/darryl-yap-ibinahagi-ang-liham-umano-ni-ninoy-na-pumupuri-kay-imelda-dahil-sa-heart-center/">https://balita.net.ph/2022/08/20/darryl-yap-ibinahagi-ang-liham-umano-ni-ninoy-na-pumupuri-kay-imelda-dahil-sa-heart-center/

May mga humula ring baka si Bistek ito o si dating Quezon City mayor at senatorial candidate Herbert Bautista.