Ang bida ng hit South Korean series na "Squid Game" na si Lee Jung-jae ang itinanghal na "Best Drama Actor" sa 74th Primetime Emmy Awards.

Natalo ni Jung-jae ang mga kapwa nominadong sina Jason Bateman ng “Ozark”, Bob Odenkirk ng “Better Call Saul”, Adam Scott ng “Severance”), Brian Cox at Jeremy Strong ng “Succession".

Makasaysayan ang panalong ito ni Jung-jae dahil kinilala ng Emmys ang isang aktor na mula sa "non-English language project".

Sa kaniyang talumpati, pinasalamatan ng aktor ang director-creator ng Squid Game na si Hwang Dong-hyuk dahil sa napakagandang proyekto at pagkakataong ito para sa kaniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, si Zendaya naman ng "Euphoria" ang nanalong Best Actress na counterpart ni Jung-jae.