Hinihikayat ng Manila Public Employment Service Office (PESO) ang mga residente ng Maynila na naghahanap ng trabaho na makiisa sa job fair na kanilang isasagawa sa lungsod bukas, Lunes, Setyembre 12, 2022.

Batay sa paabiso ng Manila PESO sa kanilang Facebook Page, idaraos ang job fair sa Park N' Ride Building sa Lawton, Ermita, Maynila mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Nabatid na daan-daang trabaho ang iaalok ng Manila PESO sa mga residente sa naturang aktibidad.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kabilang dito ay personal assistant/office staff, accounting staff, HR staff/supervisor, sales representative, sales promodiser, warehouseman, computer technician, CCTV technician, company driver, graphic artist, delivery/warehouse helper at stockman, customer service representative, billing officer, service crew, cake decorator, housekeeping, reception secretary, delivery rider, HR officer, executive secretary, milk tea barista, team leader, production operator, warehouseman, purchasing staff, stockman, merchandiser, ATM technician, HR head, manager at marami pang iba.

Pinayuhan naman ng Manila PESO ang mga interesadong aplikante na magsuot ng semi-casual na damit at magdala ng maraming updated na resume at itim na ballpen.

Upang makapag-aplay, kailangan rin umano ng mga ito na mag-rehistro sa ibinigay na google form.

Anang Manila PESO, hindi na kailangang maghintay ng kanilang tawag at maaaring ipakita na lamang sa job fair ang screenshot ng confirmation page sa dulo ng kanilang Google form.

Maaari ring bumisita sa Facebook page ng Manila PESO para sa karagdagang detalye hinggil sa naturang job fair.