Tila naisipang pagtripan ni Asia's Songbird Regine Velasquez at 'Idol Philippines' Host Robi Domingo ang picture ng Unkabogable star na si Vice Ganda sa hallway ng ABS-CBN.

"Yung hindi nyo masyadong mapagtanto kung nagagandahan kayo sa mayaman nyong office mate o balak nyo lang utangan," kwelang caption ni Regine sa kanyang Instagram post kamakailan. 

View this post on Instagram

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Tayo ay humingi ng kahilingan sa birtud," komento naman ni Robi.

Syempre, hindi rin nagpahuli si Vice Ganda sa pag-comment, aniya "sumainyo ang kapangyarihan ng Mahal na Bertud!"

Nagkomento rin sina Melai Cantiveros at Gary Valenciano.

Sina Regine at Robi ay kasalukuyang napapanood sa Idol Philippines Season 2.