Inilabas na nitong Sabado ng gabi ang buong trailer ng pinakabagong pelikula ng KimXi love team ng kilalang real life couple nina Kim Chiu at Xian Lim.

Isang 2011 hit Korean adaptation ang comeback project ng sikat na love team matapos ang walong taon.

Excited na rin agad ang fans ng love team na hindi inasahan ang pagbabalik ng power couple sa big screen.

Matatandaang nasa Kapuso Network na si Xian habang nananatiling loyal sa ABS-CBN si Kim Chiu.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Aminado naman ang aktres na parehong excited at kabado siya sa pagbabalik-big screen ngayong taon.

Sa darating na Setyembre 28 simulang mapapanuod ang “Always” sa ilalim ng Viva Films.