Naglabas ng pahayag ang Manila International Airport Authority (MIAA) kaugnay sa insidenteng nanakawan umano ang isang TikTok content creator na si Ady Cotoco.

Sa pahayag, humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MIA dahil sa nangyari kay Cotoco nang dumating siya sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 nitong Huwebes, Setyembre 8.

"We extend our sincere apologies to Etihad passenger Ady Cotoco for his unpleasant experience upon arrival at NAIA Terminal 3 yesterday, September 8, 2022, when one of his baggage was discovered pilfered," anila.

Sa isinagawang magdamag imbestigasyon ng MIAA at Etihad, nalaman na hindi sa NAIA Terminal 3 nangyari ang luggage tampering.

National

Atty. Kaufman, nagsalita sa umano'y 'request' hinggil sa ID requirements ng EJK victims

"An all-night investigation conducted by MIAA and Etihad through a review of various CCTV footages revealed that the luggage tampering could not have happened at NAIA Terminal 3 but at foreign airports where passenger made stop-overs enroute to Manila," ayon sa MIAA.

"We expect Etihad Airways to extend immediate assistance to passenger while the investigation continues," dagdag pa nito.