Inihayag ng isang sikat na online personality na si Adrian 'Ady' Cotoco ang kanyang pagkadismaya nang manakawan siya ng mga mamahaling gamit nang dumating siya sa NAIA Terminal 3 lulan ng eroplano ng Etihad Airways galing Madrid, Spain.

Kuwento ni Cotoco sa kanyang TikTok video nitong Huwebes, nakita niyang sira ang isa sa tatlong maleta na dala niya.Ang laman daw ng nasirang maleta ay ang mga shinopping niya para sa kanyang pamilya.

"Sa loob noon [maleta] is lahat ng shopping ko worth hundreds of thousands of pesos and nanakaw siya wala nang laman," saad niya at ipinakita rin niyana nasira ang lock ng maleta niya.

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Dahil sa insidente, agad siyang nagtungo sa opisina ng Etihad Airways at naghain na rin siya ng police report.

Sa hiwalay na TikTok video, ipinakita niya ang loob ng maleta.Kabilang sa mga nawala ay ang mga mamahaling sapatos, bag, pabango, at mga damit.

Samantala, naglabas na ng pahayag ang Manila International Airport Authority (MIAA) kaugnay sa nasabing insidente.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/09/miaa-naglabas-ng-pahayag-hinggil-sa-umanoy-nanakawan-na-tiktok-personality/