Sa ilalim ng Triple Win Project (TWP), tumatanggap ng aplikasyon mula sa mga Filipino registered nurses ang Department of Migrant Workers (DMW) kasunod ng pangangailangan ng serbisyo sa ilang ospital at elderly care centers sa Germany.

Ang lahat ng rehistradong nurse na may hindi bababa sa isang taong professional experience sa ospital, rehabilitation centers ay kwalipikadong mag-apply.

Hihingan naman ang candidates ng B1 o B2 Level na German language proficiency o kung wala pa’y dapat handa silang sumailalim sa isang language training sa bansa na gagastusan at ilulunsad ng TWP mula Nobyembre 2022 hanggang Enero 2023.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Sa ilalim ng programa, wala ring placement fee na hihingin sa mga candidates.

Tumataginting na P132, 410 ang starting salary ang naghihintay sa mga mapipiling candidates at maaari pa itong itaas hanggang P162, 195 matapos ma-qualify.

Maging ang mga kakailanganing dokumento kagaya ng sertipikasyon, visa, medical checks, kabilang ang gastos sa pamasahe ay sagot din ng proyekto.

Para sa ilan pang detalye, hinihikayat ng DMW na bisitahin ang recruitment specification form (RSF) ng naturang proyekto.