Patuloy na nangunguna sa streaming giant na YouTube ang channel ng ABS-CBN Entertainment na tumabo na sa mahigit 41 million subscribers at halos 48 billion lifetime views sa pag-uulat.
Nananatiling hari sa karatig rehiyon ang ABS-CBN channel na mabilis ang paglobo pagdating ng parehong numero ng subscribers at nadaragdaragang lifetime views.
Noong Hunyo lang nang maabot ang 40 million subscriber milestone ng channel na tinitingala ng ilang malalaking media entities sa rehiyon kabilang ng One 31 at Workpoint.
Ilan pang sister channels ng ABS-CBN ang patuloy din ang pag-arangkada sa nasabing platform kabilang ang ABS-CBN News na mayroong 14.2 million subscibers, Star Music na mayroong 7.9 million subscribers at Star Cinema na tumabo na sa 6.06 million subscribers.
Mula nang magsara sa free TV broadcast, ang YouTube ang isa sa mga naging daan ng ABS-CBN sa patuloy nitong paghahatid ng mga programa sa kanilang manunuod.
Nariyan din ang “Kapamilya Online Live” YouTube broadcast ng ABS-CBN Entertainment na nagbibigay akses sa kanilang masugid na tagasubaybay sa mga Kapamilya shows araw-araw.