Usap-usapan kamakailan ang tungkol sa Kapamilya actor na si Joshua Garcia at sa YouTube content creator na si Bella Racelis. Kaugnay nito, may reaksyon ang dating nobya ng aktor na si Julia Barretto.

Naglaro si Julia sa Maritest segment ng "Tropang LOL" nitong Huwebes. Ang tanong na natapat sa kanya ay "sinong sikat na aktor ang nali-link ngayon sa YouTube content creator na si Bella Racelis -- dahil sa madalas i-like ni aktor ang mga posts ni girl?"

Sa naturang na tanong, apat ang kanyang pinagpiliian ito'y sina Diego Loyzaga, Alden Richards, Donny Pangilinan, at Joshua Garcia.

 

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sagot ng aktes ay si Joshua Garcia na halata naman daw dahil sa mga reaksyon ng mga manonood. Kinumpirma naman ng host na si Matteo Guidicelli na tama ang kanyang sagot. 

Ipinakita rion kay Julia ang larawan nina Joshua at Bella na nag-viral kamakailan.

"Oh that's nice, that's nice. Good for the both of them. That's good. That's good. Masaya tayo," sey niya. 

Nagbigay na rin ng pahayag ang aktres, aniya hindi na raw siya sensitive kapag naririnig o nababanggit ang pangalan ng aktor.

"Hindi ako sensitive. Iko-correct ko lang ha... eh kasi syempre dapat kapag past ile-let go mo 'yan with grace and with gratefulness. So kapag binabalikan mo 'yan dapat walang bitterness at tsaka dapat magkakaibigan lang. Kung saan siya masaya, doon tayo masaya," ani Julia.

Approved din daw ang dalawa sa kanya, "approved. kung saan ang happiness, doon tayo."

Samantala, kahit na maraming kumakalat na larawan nina Joshua at Bella ay wala pang malinaw na kumpirmasyon kung ano nga ba ang score nilang dalawa.