Hindi malilimutan ng gurong si Emmanuel Nico Nantes Cronico mula sa Camarines Sur ang simpleng handog sa kaniya ng pupil na si Michael, na pinagdalhan siya ng kakaning Aroyo upang magpasalamat sa kaniyang pa-burger at pa-spaghetti, sa unang araw ng pagbabalik-face-to-face classes noong Agosto, sa tulong na rin ng mga sponsor.

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita Online kay Sir Nico, nabagbag ang damdamin niya sa bata dahil napuyat pa umano sila ng kaniyang ina para lamang magawa ang naturang kakanin. Pasasalamat daw ito ng kaniyang ina para sa kaniya, dahil sa libre niyang burger at spaghetti sa klase.

"Then, I realized that when you generously sow seeds of love, you’ll reap the same too. Kindness is so powerful. Let’s always choose to be kind everyday."

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

"Also, I would like to share this heartfelt and touching experience to those who willingly and voluntarily shared their resources to make my pupils happy. You have no idea how thankful these students are as of this writing. You will surely be blessed," dagdag pa ni Sir Nico.

Bukod sa pagiging guro sa elementarya, isa ring part-time college instructor si Sir Nico upang makadagdag umano sa kaniyang panustos sa mga kailangan ng mga mag-aaral niya sa loob ng silid-aralan.

"Nagpart-time ako sa college para may pandagdag, kasi talagang minsan, abunado ang mga guro. Sa classroom ko pa lang, dami na ako gastos," pagbabahagi ni Sir Nico.

Pagpupugay sa iyo, Sir!