Pinabulaanan ng GMA Network ang mga ulat na maglalabas umano ito ng pahayag kaugnay sa umano'y hiwalayan nina Heart Evangelista at Senador Chiz Escudero.

"Beware of fake news, mga Kapuso," saad ng network sa kanilang Instagram post nitong Huwebes, Setyembre 8. 

"Hindi totoo na maglalabas ang GMA ng statement tungkol sa nasabing issue. Beware of fake news, mga Kapuso," dagdag pa nito sa comment section.

Hindi rin kinumpirma o itinanggi ng GMA Network kung hiwalay na nga ba ang dalawang personalidad. 

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Lumutang ang espekulasyong may pinagdaraanan ang Kapuso actress-socialite nang dumalo ito sa GMA Thanksgiving Gala Night noong Hulyo. Bagama’t magkasama naman sila ng mister, bakas daw sa kaniyang mga mata ang kalungkutan, sa kabila ng kaniyang mga ngiti.

Mas lalo pang lumutang ang mga alingasngas nang tanggalin ni Heart ang apelyidong “Escudero” sa kaniyang Instagram profile, subalit sa Twitter naman ay naroon pa rin.

Kamakailan napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh ang umano’y kumakalat na tsikang hiwalay na ang mag-asawa at ang nakawiwindang na dahilan daw at hanggang ngayon ay hindi pa humuhupa, may naanakang ibang babae raw ang mister ni Heart.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/09/07/true-ba-intriga-sa-tsikang-hiwalay-na-sina-heart-at-sen-chiz-ikinawindang-ng-mga-netizen/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/09/07/true-ba-intriga-sa-tsikang-hiwalay-na-sina-heart-at-sen-chiz-ikinawindang-ng-mga-netizen/