Tinatayang aabot na sa mahigit₱150 milyon ang jackpot prize ng GrandLotto 6/55 sa susunod na bola nito sa Sabado, Setyembre 10.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles, wala pa ring pinalad na magwagi sa₱141,442,176.80 na jackpot prize ng GrandLotto 6/55 na binola nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 7, matapos na walang makahula sa six-digit winning combination na 36-06-07-33-38-39.
Mayroon naman aniyang 18 mananaya ang nakapag-uwi ng tig-₱100,000 second prize matapos na makahula ng tig-limang tamang numero.
Samantala, wala ring nakapag-uwi sa₱26,903,392 na jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na binola rin nitong Miyerkules ng gabi, matapos na walang makahula sa six-digit winning combination nito na 24-10-11-05-31-04, kaya’t asahan nang tataas pa ang papremyo nito.
Sa pagtaya ng PCSO, aabot na sa mahigit P31 milyon ang jackpot prize ng MegaLotto 6/45 sa susunod na bola nito bukas, Biyernes, Setyembre 9.
Ang jackpot estimates naman ng PCSO para sa UltraLotto 6/58 na bobolahin rin sa Biyernes ay nasa mahigit₱61 milyon na.
Samantala, ang jackpot prize naman ng SuperLotto 6/49 at Regular Lotto 6/42, na parehong bobolahin ngayong alas-9:00 ng gabi, Huwebes, ay tumaas rin matapos na hindi mapagwagian sa nakalipas na lotto draw.
Ayon sa PCSO, ang jackpot estimates sa SuperLotto 6/49 ay mahigit₱62.5 milyon na habang ang Regular Lotto 6/49 naman ay nasa mahigit P40 milyon.
Kaugnay nito, hinikayat ni Robles ang publiko na samantalahin ang pagkakataon ang tumaya na sa pinakamalapit na lotto outlet upang magkaroon ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo at makatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.
Ang GrandLotto 6/55 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado habang ang MegaLotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Ang UltraLotto 6/58 naman ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Sabado habang ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
Ang lotto draw naman ng Regular Lotto 6/42 naman ay tuwing Martes, Huwebes at Sabado.